Sabi nila wala daw kwenta ang buhay tambay dahil kinokunsensiya ka lagi kapag naiisip mong kumakain ka lang wala ka pang ginawa.
Ang totoo, ang buhay kalye o buhay tambay ay mahirap pero masarap. Mahirap dahil gusto mong bilhin ang mga bagay na gusto mo pero di mo magawa dahil wala kang pera. Wala kang pera dahil tamad ka.
Accept ko naman na tamad ako. Kaya nga hindi ako nakakatapos ng pag-aaral dahil ayokong mag-aral. Mahirap kaya mag-aral. Nariyang may mga projects, mga assignments at iba pa. Pero ganon pa man, marami din akong natutunan sa maliit na panahong namalagi ako sa school. Makapagsulat ba ako ng ganito kung bobo ako. Loko-loko!
Anyway, ang tambay ngayon ay mayroon nang trabaho. Natututo na ako. Gusto ko na ring kumita ng pera kahit papano para naman may pangtustus ako sa mga bisyo ko. Ano ka hilo!
Pero sa ngayon, ang totoo wala pa akong kinikita. Mahirap pa ako sa mga bulag. Mabuti pa ang mga bulag malaki pa kinikita. Nahihiya naman akong gayahin sila. Ayoko kayang makita ako ng mga chicks na nagpapalimos. Kahit papano, may respeto din ako ng kunti sa sarili ko. Pero kunti lang.
Ikaw, baka gusto mo akong tulungan. Magdonate ka naman ng pera para naman may pangpabayad ako sa pagbla-blog ko. Hindi kaya libre ang paggamit ng internet dito sa kapitbahay namin. Minsan nga nagpapahipo na lang ako sa mga bading para lang ako magkakapera. Mabuti na lang din yun, at nang mamaintain ko itong blog kong ito, sampu ng iba pa.
O baka, kung may laptop ka. Pwede mo naman i-donate yan sa akin. Ako, hindi ako hihindi kung ibigay mo yan sa akin. Kaw pa. Type kita. Ano ako? Bakla? Mukha mo.
Mukha mo, gwapo. Nababading na yata ako sayo.